atleast honest, open lang, kalma, come what may, Kung mag fail okei lang din, marami pang chances, Di yan ma uubusan kung maniniwala ka sa sarile mo, kung ilang beses ka man bumagsak okei lang yun, hangat maari tumayo ka sa sarile mo, gawa lang ng paraan, kapag di kaya minsan kailangan lang ng company, nasanay ka na, marunong ka na madala, kung umulit man ule, ganon proseso lang ule lakas ng loob, matibay, 

parang katulad lang sa nabalian mong siko at balikat, pahinga, kalma tiis, kapag magaling na laban lang ule, kayod, diskarte, paraan, kung bumagsak sa kahit anong kagustuhan, pangangaylangan, bibigyan ka parin ng nakakataas, kung magugutom ka man bibigyan ka paren, kung uhaw, pagod me mag bibigay sayo ng tubig at lugar na maari mong pag pahingahan, atleast gumawa ka na paraan, pinilit mo sa kahit anong sitwasyon, sinalpak mo.

weekends ngayon, steady, nakatapat sakin yung fan, 7:04 am, kakauwi ko lang, kakakain ko palang ng isang cheese bread, gising parin si ermats, mejo kinky ako na  mejo hilo sa pagod at gusto mag skate at mag record bukas. nag fail sa the moves pero oks lang meron pa naman susunod at kahit hindi ka mag expect meron darating. :) ayun nag laro kami kanina ng team ko sa team meeting namen sa office, parang tungkol sa parang to know yourself. parang mag lalagay kami ng mga paper sa likod namen then susulat sha ng mga ka team mo kung anong first impression sayo, mejo lumaki ng konti yung ulo ko na natuwa ako kase kilala ko naman din ang sarile ko, ayun ang mga nakalagay sa papel na sinulat nila sakin ay. 
Rockstar, Sabaw, Chickboy, Badboy, Suplado, Sabaw. :D ayun, well, yun nga ako hehe :D

Kaninang dinner sa night shift dinala ko yung nilutong pinabaon sakin ni ermats, Beef steak. ayun salo salo ule kami ng team ko, habang sa trabaho search ako ng mga video ng longboard tricks and stunts sa youtube, then check out ko yung album ng hatebreed latest album 2011 ata yun or 2012. tapos yung tats na swallo na gusto ko palagay sa chest ko, kaso mejo ayaw ko pa palagay kasi iniisip ko ermats ko, kasi parang na heart broken sha kung gagwin ko yun, gusto ko kasi gusto ko yung meaning ng swallow, ako yun eh, pero ayun steady lang, makakapag hintay. madali lang naman yan kung gugustuhin at nasa tamang oras na mararamdaman mo na gusto mo na, na walang pag pagdududa.

Mga naiisip ko kanina si pau, kase ayun take actions nako, well atleast i did something though :) ayun good vibes lang :) 

miso ramen

miso ramen

assemble

kahit anong kabaitan mo sa tao, ang intenshon mong maganda ay mapapawalang bisa, sa taong masama, kahit anong pagbabago ang gawin mo ang mga taong nilalapitan mo ang mismong sisira sayo, lahat ay nag babago, mananakit, dudurugin ka, wala kang magagawa kung hindi ipikit mo na lang ang sarile mong mata, hihinga ka ng malalim at wag kang mag tatanim ang poot sayong damdamin, wala kang mapapala sa sarile mong apoy na ipapamalas sa taong meron matamis na ngite boses na magaan sa loob pero sha mismo ang dudurog sayo. malupit talaga na hindi mo kayang intindihin bakit ganon, ipakita mo ang sarile mong imahin, intindihin at tumulong, sa loob mong tutuo pero lalaruin ka pa, kapag na sipsip na ang lakas mo at nalaman ang mga kahinaan mo, kamandag na wala ng magagawa kung kakapit sayo, anong masama kung mapag bigay, maging masaya sa taong hindi mo kilala makahanap lang ng oras na maiba, pare parehong landas kailangan parin pag aralan, sadyang ganyan ang mga sitwasyon, hindi kamao ang daan,

Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud.